'til further notice

lazy blogger

Thursday, November 18, 2004

ang araw kong lumubog na

Sooper stix pandan flavor

TAAAZZZZHHHAAAA!!!! feeling ko ako si joey...

nagising ako sa yugyog ng aking tanging ina...
ha?! nasan nako? anu oras na ba?!

"oi, kanina pa tumatawag si -----(tooot!)!"wika ng aking tanging ina...

anung oras na ba?! aking hinagilap ang aking celefon sa aking kamang nagkalat ang unan, punda ng unan, ang unang may aso, ang tigre ni cheche, ang comforter, ang ---, at medal?? so un, nakita ko na ung celefon ko matapos maghukay at fatay! sarado ito! takbo ako agad sa ibaba at tumingin sa wall clock...haaay..buti na lang alas tres pa lang pala. so un naligo nako at lumamon ng chock chack(pork chop)pero kadiri ung rice...may kahalong fats ng chok chak...eeewwww

pagdating ng alas kwatro ay dumating na ang aking pinakamabait at pinakamatiyaga at pinakamamahal na tooot...kaya kami ay nagpaalam at lumisan patungong skul upang magturo sa mga CO...

so un! tinuruan ko sila ng patakda, pabalik na, hating hakbang at paurong at tuluyang bilang at isahang bilang...

tapos...ingles na! aba si junilee...wala lang...mabait saiya ngaun..she wasT alwaysT smiling during her classT...heheh
ciempre humarurot ako sa pagsagot sa sb16 at natapos ko...hehehe

tpos kumukulo na ung tiyan ko kaya bumili ulit ako ng all-time fave ko na peach dewbwerry at binigyan ko ang aking kulots na seatmate na si roemer kulots tp[os computer na at naku!! pasakit talaga! ang hirap din magimbento ng formula ng square root sa turbo pascal ha!

at nagmatematika na kami...pasaway hindi ko pa natapos ung last problem...grrrr....

at ciempre after ng math ay...

ANG KLASE SA PISIKA!!! (thunder and devil's laugh)...

huwow!! ang saya saya talaga makipagkwentuhan kay ginoong pascual...nakilala ko ng mabuti ang malaking pausong si aritowtle..hehe at ang no-orig na si platon...at ang mas no orig at mas matinding pausong si ptolemy...grabe pla magkalat ng chikka 'tong mga 'to...buti na lang at dumating si kumpadreng copernicus at pinabulalaan ang kanilang mga chikka minute...

naikwento din niya ang makabuluhang pangyayari sa isang kapehan (hindi ho istarbucks) kung saan nagkita ang magkabatak na si johannes(also known as sylvester escobia of IV-AOM) at isaac newton(ang talunang stephen correa sa elims)..

ay saya talaga ng pisika...daming jowk na mabubuo lalo na pag katabi mo ang kulot na bagong gupit…hewhehe

ciempre nakakagutom ang pisika kaya nang maglulunch nako at kukunin ang aking baon kay tooot…

ano?! Ubos na!! Grabeeh…ang laki tlga ng capacity ng tiyan ni khel! Kaya bumili na lang ako ng calamares sa canteen(ate, puro bilog lang ha!)at hala…kain!!

Ayokong pagusapan ang AP at PE dahil masakit ito sa aking kalooban…

Kaya pagkatapos ng lunch ay…

1:50 na…CVE na!!!!!!!!!!!!!!! Lumipad ang oras ko sa CVE..umupo ako sa likuran at nakipagbalitaktakan kay ninay, Ralph dude at jokwa…maligalig na kumkanta si dude ng blues clues habang occasionally umeepal si buddy adjutant correa…

matapos ang 2 oras at masayang CVE…

pumunta na ako agad ng gymnasium at pagkatapos noon ay nagyayang umuwi…kaya umuwi na kami ng alaga kong daga at pagdating sa bahay ay lumamon nanaman ako habang ang alaga kong daga ay nakikipag-chess sa aking ate…

at natapos ang aking araw na lumubog na at matatapos ito sa pagmememorya ng 38 definitions at concepts sa summative test naming bukas sa pisika…

hindi ako magpupuyat…

masarap kumain ng sopas…

ayokong kumain ng kaning hinaluan ng taba…


‘ Is it because that light travels faster than sound that a person seems to be bright until they speak?”

1 Comments:

Post a Comment

<< Home