'til further notice

lazy blogger

Thursday, December 16, 2004

babala. Mag ingat sa mga nilalang na ito!

MGA HUNGKAG!! MAGINGAT SA MGA NILALANG NA ITO!!

una:

magingat sa mga taong walang daungan ng sipon sa pagitan ng lugar sa ilalim ng ilong. sila daw ay mga supernatural beings.

ikalawa:

magingat sa mga taong may matang mala-pusa. Kumikinang ang mga mata at ang kanilang pupils ay parang slit. Sila raw ay mga ASWANG.

ikatlo:

magingat sa mga taong humihipan sa kahit anung portal sa inyong katawan tulad ng bibig at butas ng tainga. Sila'y mga MAMBABARANG.

ikaapat:

magingat sa mga mahilig magpatong ng kamay sa inyong ulo. sila raw ay mga magnanakaw ng kaluluwa.

ikalima:

magingat sa mga taong walang curve ang talampakan. Sila'y mga kapre. Amoy utot ang mga iyan.

ikaanim:

magingat sa mga taong nakikita sa kaliwang mata ngunit hindi sa kanang mata. Sila'y mga espiritu...

IKAPITO AT PINAKAMATINDI:

magingat sa mga taong sinungaling, nakawiwili pakinggan ang kanilang mga kuwento. Sila raw ay mga INHINYERONG AGRIKULTURAL.

isang araw nang nagaaral ang aom ng pressure...

Tazha: roemer...umiikot ung lie detector ko!
roemer:*bungisngis
Tazha:Roemer nakaturo na kay sir!
roemer:*bungisngis



magingat kay roemer: BOY BUNGISNGIS


nung isang araw, hindi gumagana ung lie detector ko para sa mga inhinyero...un pala... c sir may suot na anting-anting...kulay red...hehehe